|
akorori
|
read my profile
sign my guestbook
Name: Rori Country: Philippines Birthday: 12/7/1980 Gender: Female
Interests: **magkwento, kumain, magmall, matulog, mag-imagine, mag-emote, magtago...
**food, mall, badminton, kids
**isa akong SFC Expertise: magkwento at magpasaya ng mga tao =P, kumain ng ulo ng tilapia na parang pusa Occupation: Education/training Industry: Education/Research
Message: message me Yahoo: akorori
Member Since:
9/24/2004
|
|
SubscriptionsSites I Read
|
|
|
|
| ang araw na ayoko sanang dumating...pero buti na lang dumating! :) thank you, thank you, thank you.... halos lahat ng kaibigan ko na possibleng makapunta dahil malapit lang sila... nakapunta sa bahay namin... can't ask for anything else :) i felt loved and superblessed! who came? jason - bestfriend nung 1st yr college, 1st love ko (hahaha, di naman nya toh mababasa diba?) dumating sya!!! after 3 or 4 years ata of not seeing each other... nagkita din kami ulet! though many things happened in the past samen...we managed to keep in touch pag bdays namen... patti - peebee! my prayer buddy, thank you!!!! HS teachers - kahit super layo ng mga bahay nila...(sir benj, ian, dom, angel, reggie, gel, sheila) Elem teachers - kahit may mga anak and asawang nag aantay sa kanila (ms. eyz, vina, belle, gie, randy, alvin) MCH teachers - kahit muntik nyo na kong mapaiyak, at nagmamaldita kayo nung bday ko Bes - kahit kala ko totohanin mong di ka pupunta..at di ka mahilig sa ganon Kuya Don, Tisha - ngayon lang ulit kayo nakapunta sa bday ko after 9 yrs? Junjun - thanks for the white roses... lam ko na di ka comfortable na andun sa bday ko... Acel and Mike - thank you! Mariem and Tonio - kahit inumaga tayong tatlo sa pagtawa dun my FAMILY - THANK YOU and I LOVE YOU talaga LS and Moni - kahit malayo kayo, thanks for the call.. HAPPY BIRTHDAY KO! :) | | |
| bday blues eto na naman ako...nasa xanga...nagtatago...pag ayokong malaman ng mga sobrang malapit saken kung anong nararamdaman ko...at gusto ko lang din mailabas.. nandito ko... pasensya na ha... umuulan kanina ng papasok ako ng school...ayoko ng ulan...ayaw na ayaw ko ng ulan...di naman na agosto ha..tapos na ang panahon ng tag-ulan...bukas birthday ko na... ang nag-iisang araw na pinaka-kina-eexcitedan ko sa isang taon...bukas birthday ko na...lunes pa lang, excited na ko...ngayon , huwebes na...pero umuulan... tila baga nakikisama sa damdamin ko ang ulan...di ko ma-explain kung ano talaga nararamdaman ko ngayon...parang ayoko ng mag-birthday bukas...parang ayoko ng mag december 7.... pwede bang christmas na lang? umuulan...malungkot ang panahon... parang nakikiramay sakin... taon-taon, mula pagkabata ko... lagi may handa sa birthday ko... ke pansit man yan, ke goto o sago't gulaman.. siguradong may handa...siguradong may mga dumarating na kaibigan para makisaya sa birthday ko...taon-taon....halos pare-parehong kaibigan ang nakakasama ko pag birthday ko... taon-taon, nadadagdagan ang mga kaibigan na pumupunta sa bahay namin... bukas, birthday ko na... si LS, bestfriend ko mula grade 2.... mag 9 years ko na rin syang di nakakasama pag birthday ko.. nag migrate na kasi sila sa States... si Moni at Pat, kapitbahay namin, mula grade 5 ko nakakasama pag birthday ko.... bukas wala sila... nasa States na rin sila si Junjun, 9 years ko ng nakakasama pag birthday ko... pero bukas, baka wala siya.... 5 months na kaming di nagkikita at nag-uusap eh... pinakamatagal naming pagkakagalit ito.... at marami pang ibang lumang kaibigan... bukas, may mga bagong kaibigan na darating... pero iba parin kung andito sila.... iba parin ang birthday ko dati... kanina, muntik na kong umiyak sa school... kahit di ako magsalita... hindi ko ata matago kung ano talagang nararamdaman ko... ayoko ng mag bukas... baka maiyak ako... ayokong umiyak.... ayokong malungkot.... sana Happy birthday bukas! | | |
| Eto si bes ko. BES ang tawagan namen. Kasama ko sya sa work, ka-batch ko sya actually nung pumasok ako sa Montessori. Pero last year lang kami naging close talaga. Hindi ko sya pinapansin dati kase hahaha at ganun din naman sya. Nung una kakulitan lang sa text, kachismisan... tas nung may pinapapuntahan si Doc saken sa makati na may dala kong big amount of money...AT hindi ako marunong sa makati... buti na lang, naisipan ni Doc na si bes ang ipasama saken. Dun namin napagkwentuhan ang LAHAT-LAHAT tungkol sa mga magugulong lovelife namen! Mula nun, super update na kami sa mga nangyayari samin. Wla ng sikreto. Bespren pa unang tawagan namen, hanggang sa umikli at naging bes. May bestfriend talaga ko mula bata..si LS diba...pero sabi nga namen ni bes, di man ganun katagal pa kaming close, parang ang tagal na talaga namin magkakilala at pinaghiwalay lang kmi nung bata pa kmi. hehehe. Magaling syang mag-basketball, adik din sa videoke, ngayon natututo ng maging adik sa internet. Madaldal sya sa text, tahimik pag personal, mas kaya nya pag isang tao lang ang kaharap. Magaling mang-asar. Magaling makinig pag nagdadrama ko at trying hard magpatawa pag sobra na ko. Minsan best sya, minsan beast! hehehe. Lapit na bday namen. Isang araw lang ang pagitan ng bday namen eh. Kaya siguro kami sobrang magkasundo? Ewan! Dito ko toh nilagay at hindi sa friendster testimonial nya dahil masyado kami mae-expose... baka malagyan kse ng kulay ng iba. Medyo magulo pa kase ang mga pinanggalingan naming problema. Basta, sobrang saya ko na nandyan si bes. | | |
| saying goodbye to someone/something you learned to love... saying goodbye to someone/something na iningatan mo... kala mo, they will be with you forever... akala mo, wala ng iwanan... wala ng palitan... hayyyyyyyyyyyyyyy..... i'm not OK. ang hirap i-describe ng feeling. 
ngayon lang ulit ako umiyak sa Mommy't Daddy ko... last time ata hayskul pa ko.. well... i felt good after crying... tomorrow, better na sana... pag may nawala, may kapalit... view nyo tong entry ko na toh.. aug10 hayyyyyyyyy | | |
| Friend 1: "Sorry rori, to tell you the truth, hindi ako Ok ngayon...wala ako sa mood makipag-asaran sayo. Sobrang lakas ko nga mag-yosi kahapon eh. Ayokong makita mo ko na ganito. Di na muna ko sasama sayo ha" Rori: anong problema naten? ano ka ba? san ka kahapon? sino kasama mo? anu kb? yung friendship naman naten, ndi naman for good times lang eh... Friend 1: Basta. hindi ako ok. moving on ulet. Ayokong makita mo kong ganto... na wasted...ayokong makita mo kong sobrang lakas mag-yosi at di kumakain... 1 week lang ok na ko... Rori: Ok. hanggang 1 week lang yan ha... after a week, pakikialaman na kita. pero in case magbago isip mo...isang text o tawag lang ako. Dasal ka parin kahit mahirap. isipin mo na lang yung fish balls... ======================= Rori: musta ka? san ka ngayon? Friend 2: Paalis. walang pedeng makaalam kung saan ako pupunta. Rori: ha? bkt? kahit saken di pede sabihin? Friend 2: secret talaga eh "Wag mo na ko tawagan. wala akong tawag na tinatanggap ngayon. wag kang mag-alala saken ok lang ako. This will be my last text for now." ======================== Sad noh. sad lang na wala kang magawa para matulungan yung mga taong close sayo. Sad din na ayaw nilang hayaan ka na tulungan sila. | | |
|
|